DOH ILOCOS, MAY PAGLILINAW UKOL SA KASO NG MPOX SA REGION 1

Muling pinabulaanan ng Department of Health – Ilocos Region ang kumakalat online na umano’y ilang mga kaso ng MPOX ang naitatala sa Pangasinan, o sa buong Region I.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay DOH Ilocos Spokesperson Dr. Rheuel Bobis, walang katotohanan ang mga ito, at hanggang sa kasalukuyan, wala pang kaso ang naitatala sa Pangasinan.
Paglilinaw nito na ang unang kaso sa rehiyon ay naitala pa noong Abril sa lalawigan ng Ilocos Sur, kung saan patuloy na nagpapagaling ang pasyente.
Patuloy pang tinututukan ng health authorities ang rehiyon kaugnay sa naturang sakit.
Samantala, hinimok ang publiko na sumunod sa mga ibinababang safety protocol at measures upang makaiwas sa sakit ng MPox. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments