Ayon kay DOH Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, mahalagang maipaabot agad ang mga insidenteng kaugnay ng paputok upang mapanatili ang accuracy ng mga datos at makapagbigay ng tamang impormasyon sa publiko ukol sa kaligtasan.
Bilang bahagi ng hakbang na ito, inatasan ang lahat ng pampubliko at pribadong health facilities na irehistro ang lahat ng kaso ng FWRI sa Online National Electronic Injury Surveillance System (ONEISS). Ang sistemang ito ay dinisenyo upang mangalap ng komprehensibong impormasyon ukol sa mga insidente at makatulong sa epektibong pagresponde.
Sa Ilocos Region, limang health facilities ang itinalaga bilang FWRI sentinel sites, kabilang ang:
Region 1 Medical Center (R1MC) sa Dagupan City
Lingayen District Hospital (LDH) sa Lingayen, Pangasinan
Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City, La Union
Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMHMC) sa Batac, Ilocos Norte
Layunin ng DOH na paigtingin ang kahandaan at kamalayan ng bawat isa, habang binabantayan ang kaligtasan ng publiko sa pagsalubong ng Bagong Taon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨