DOH ILOCOS, NANAWAGAN SA MGA MAGULANG NA SUWAYIN ANG MGA ANAK NA GUMAGAMIT NG BOGA

Ipinanawagan ng Department of Health – Ilocos Region sa mga magulang ang pagbabantay sa mga anak ukol sa patuloy na nakikitang paggamit ng boga ng mga ito.

Binigyang-diin ni DOH Ilocos Regional Director Paula Paz Sydiongco ang patnubay ng mga magulang at disiplina ng pamilya lalo na sa batang mga anak upang maiiwas ang mga ito sa posibleng banta ng ipinagbabawal ng boga sa kalusugan.

Dagdag pa nito ang kinakailangang suporta ng mga local officials sa Rehiyon Uno na agarang kumpiskahin ang nairereport at nahuhuling mga indibidwal na patuloy na lumalabag sa batas.

Samantala, isa pa sa ipinanawagan ng ahensya ang pagtalima sa hindi paggamit ng mga ilegal na paputok alinsunod sa inilabas na listahan ng PNP na mga bawal gamiting firecrackers at iba pang pyrotechnic devices ngayong Holiday Season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments