DOH ILOCOS, PATULOY ANG PAGSULONG NG PAGPAPAHALAGA SA KALUSUGAN NG MATA NG MGA BATA

Nagpapatuloy pa ang mga inisyatibo ng Department of Health Ilocos Center for Health Development para sa pagtitiyak na natutukan ang kalusugan at katawan ng mga batang mag-aaral tulad ng kanilang mga mata.

Kamakailan, nagsagawa ng Vision Screening at Oral Health Services ang tanggapan sa ilalim Regional Blindness Prevention Program nito.

Nabenipisyuhan ang mga Grade 2 at 3 na mag-aaral sa Caba Elementary School sa La Union.

Dito ay inaalam kung sino sa mga mag-aaral ang posibleng makapagdevelop ng myopia, visual impairment, at iba pang eye disorder upang maaga itong maagapan.

Nagbigay rin ang tanggapan ng kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa eye care at oral health.

Isa ito sa isinasagawang pagsulong ng kagawaran upang mapaigting ang kanilang Prevention and Blindness Program.

Ilan pa sa piling paaralan sa probinsya ang nakatakdang puntahan at naserbisyohan ng nasabing programa mula June 24, 2025 hanggang October 17, 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments