DOH ILOCOS REGION, NAGBABALA KONTRA PAGKALUNOD SA PANAHON NG PAGBAHA

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) Ilocos Region sa publiko na mag-ingat sa panganib ng pagkalunod habang patuloy ang mga pagbaha at may banta pa rin ng flashflood sa ilang lugar sa rehiyon.

Ayon sa DOH, mahalagang umiwas sa paglusong o pagmamaneho sa rumaragasang baha at tiyaking ligtas ang mga bata sa mga kanal, sapa, o ilog.

Pinayuhan din ang publiko na gumamit ng floatation aid kung kinakailangang lumusong at lumikas nang maaga kung may banta ng matinding pagbaha.

Kasabay nito, hinimok ng ahensya ang mga residente na alamin ang sitwasyon ng mga ilog at tributaries sa pamamagitan ng flood advisory ng DOST-PAGASA.

Facebook Comments