Patuloy pang pinag-aaralan ng mga eksperto kung nananatili pa ring epektibo ang COVID-19 vaccine laban sa Delta variant plus.
Sa Presscon sa Malacañang, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na sa ngayon ay naghihintay pa ang Pilipinas sa resulta ng ginagawang pagsasaliksik ng mga eksperto abroad hinggil sa epekto ng Delta plus variant sa mga bakuna.
May mga lumabas kasi aniyang datos na 10% more transmissible o mas nakahahawa ang Delta plus variant kumpara sa orihinal na COVID-19 pero hindi pa kumpleto ang datos.
Kasunod nito, naniniwala si Vergeire na mabisa ang lahat ng bakuna kontra COVID-19 upang bigyan tayo ng sapat na proteksyon at mabisang panlaban din upang hindi mauwi sa severe o critical case.
Samahan pa aniya ng pagsunod sa health protocols ay paniguradong hindi tayo kakapitan ng alinmang variant ng COVID-19.