DOH, inamin na artificial lamang ang bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Inamin ng Department of Health (DOH) na artificial lamang ang bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, ang pagbaba ng COVID cases sa bansa ay hindi epekto ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Aniya, ito ay dahil sa mahigit 36 laboratoryo pa ang hindi nag-operate nitong linggo.


Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay nananatiling nasa 10 hanggang 11,000 na kaso parin ang naitatala ng DOH kada araw.

Sa ngayon aniya, sa mga komunidad at work places pa rin ang naitatalang clustering ng COVID-19 cases kaya hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko.

Facebook Comments