Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang ‘go’ signal nito sa pagbibigay ng ikalawang booster laban COVID-19 sa general population at healthy adults.
Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ito ay base sa updated na Emergency Use Authority ng Food and Drug Administration gayundin batay sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council.
Tiniyak ng DOH agad na sisimulan ang rollout oras na maisapinal na ang mga panuntunan.
Facebook Comments