DOH, inanunsyo na ang recalibrated COVID-19 response

Inanunsyo na ng Department of Health (DOH) ang itinuturing nilang “improved response” sa COVID-19 pandemic.

Ito ay kasunod ng panawagan ng medical community na ‘time out’ para mapigilan ang paglobo ng mga kaso.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, magsasagawa ang ahensya ng joint medical strategy sa paglaban sa virus.


Aniya, ang apela ng medical community sa DOH ay nagbigay ng oportunidad para sa reassessment at recalibration ng kanilang COVID response.

Iminungkahi ni Health Undersecretary Lilibeth David na magkaroon ng working group na tutugon sa pitong critical areas, kabilang na rito ang sumusunod:

–        Kakulangan sa hospital workforce

–        Case finding at pagkakadepende sa rapid test kits

–        Mahinang contact tracing

–        Transportation Safety

–        Workplace safety

–        Pagsunod ng publiko para sa kanilang proteksyon

–        Pagbubukas ng mga industriya

Una nang inilunsad ng DOH ang One Hospital Command Center na makakatiyak ng epektibo at mahusay na health facility referral.

Ipinatupad din ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE), isang patient-and-community focused response strategy.

Nanawagan naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko na manatiling sumunod sa minimum health standards para bumagal ang pagkalat ng virus.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 122,754 ang kaso ng COVID-19 sa bansa na may 53,734 active cases.

Nasa 66,852 ang gumaling at 2,168 ang namatay.

Facebook Comments