Inatasan ngayon ng Department of Health (DOH) na dagdagan pa ng mga pampublikong hospital ang kanilang bed capacity sakaling magpatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, handa nilang baguhin ang polisiya hinggil sa bed capacity sa mga pampublikong hospital kung saan mula sa 30% capacity, iaangat nila ito sa 50% kapag patuloy sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi pa ni Vergeire na posibleng itaas pa ng 70% ang bed capacity kung talagang kakailanganin.
Dagdag pa ni Vergeire, ang mga pribadong hospital ay maaari din iangat sa 30 percent bed capacity sa kasalukuyang 20 percent kung sakaling tumaas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19.
Habang ang mga private facilities ay kailangan nasa 30 percent bed capacity rin para ma-accomodate ang mga COVID-19 patients.