DOH, inihahanda na ang transition ng COVID-19 response sa Marcos administration

Hinahanda na ng Duterte administration ang pandemic-related reports nito para sa administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon, sa ngayon ay wala pang pormal na pag-uusap sa pagitan ng dalawang administrasyon.

Pero inihahanda na aniya nila ang mga kinakailangang dokumento at inilista ang mga pinakamahusay na kasanayan na maaaring magamit sa bagong administrasyon.


Sinabi pa ni Dizon na ang Department of Health (DOH) ang magiging lead agency para sa transition ng COVID response.

Sa ngayon, hindi pa pinapangalanan ni Marcos ang napipisil nitong maging kalihim ng DOH o kung ipapanatili niya ang National Task Force Against COVID-19.

Facebook Comments