DOH, inihayag na lumang variant ng Mpox ang tumama sa isang lalaki sa Quezon City

Nilinaw ni Health Secretary Ted Herbosa na lumang variant ng Mpox ang tumama sa isang lalaki sa Quezon City.

Ayon kay Herbosa, lumabas sa resulta ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na Clade II variant ang tumama sa lalaki na hindi naman malala kumpara sa Clade I-B na nararanasan sa Democratic Republic of Congo at sa kalapit-bansa nito.

Matatandaan na una nang idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Public Health Emergency of International Concern sa nasabing bansa dahil sa naitalang 1,800 na kaso.


Kaugnay nito, nagbabala ang WHO sa mga health department at ministries sa bawat bansa na mag-ingat sa bagong varian ng Mpox na Clade I-B.

Bagama’t hindi gaanong malala ang Mpox na naitala sa ika-sampung kaso, maigi pa rin maging alerto at iwasan na magkaroon ng close o at physical contact sa mga may sintomas nito.

Bukod dito, maiging magpakonsulta agad sa mga eksperto o doktor kapag nakakaranas ng sintomas ng Mpox tulad ng skin rashes o mucosal lesions na may kasamang lagnat; pamamaga ng lymph nodes o kulani at sore throat; pananakit ng muscle at back pain gayundin ang pananakit ng ulo at mababang enerhiya.

Facebook Comments