DOH, inihayag na rehabilitasyon pa rin ang susi sa tagumpay ng anti-drug war

Manila, Philippines – Naniniwala ang Department of Health na hindi nagtatapos sa mga Oplan Tokhang at police operation ang ikatatagumpay ng kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Binigyan diin ni Assistant Secretary Erick Tayag, DOH spokesman na suportado nila ang Dangerous Drugs Board sa hangarin nitong mailigtas ang mga drug dependent sa pamamagitan ng rehabilitasyon.

Sa ngayon ay binabalangkas na ng DOH ang mga plano na magpapalakas sa mga community based rehabilitation program.


Isinusulong din ng DOH na magkaroon ng katulad ng drug facility na kagaya ng mega drug facility sa Nueva Ecija.

Paiigtingin din nila ang anti-drug advocacy partikular ang pagpapaliwanag sa mga kabataan sa panganib na dala ng illegal na droga sa mga unibersidad,pamantasan at eskwelahan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments