DOH, inihayag na wala silang naitatalang positibong kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa higit 200 Filipino na dumating sa bansa galing South Africa noong nakaraang linggo

Inihayag ng Department of Health (DOH) na wala silang naitalang positibong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa higit 250 Filipino na dumating sa bansa mula South Africa nitong nakaraang linggo.

Base ito sa isinagawang pagsusuri sa kanila kung saan nasa 250 na returning overseas Filipino at 4 na foreigner ang naitalang dumating noong November 19 hanggang November 29.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nasa 34 na bansa na ang nakakapagtala ng mga kaso ng Omicron variant.


Kaya’t dahil dito, naglabas ang Inter-Agency Task Force ng resolution No. 151 kung saan nakasaad dito na magtutulong-tulong ang Bureau of Quarantine, Department of the Interior and Local Government (DILG) at Local Government Unit (LGU) kasama ang Department of Health (DOH) na tukuyin ang mga pasahero na dumating sa bansa mula November 15 hanggang 29 na mula sa bansa na nasa ilalim ng red list.

Sinabi pa ni Vergeire, kinakailangan pa rin ng masusing pag-aaral para mas lalong maintindihan kung paanong ang mutations ng virus ay nakakaapekto sa transmission at efficacy ng mga bakuna.

Iginiit rin ni Vergeire na hindi dahilan ang Omicron variant kung kaya’t nagdesisyon ang gobyerno na bigyan na ng booster shot ang mga kabilang sa A1 hanggang A3 priority group.

Facebook Comments