DOH, iniimbestigahan na ang naging paglabag sa vaccine protocol sa isang vaccination site sa Metro Manila

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang nangyaring paglabag sa vaccine protocols sa isang vaccination site sa Metro Manila.

Nabatid na agad naglabas ng pahayag ang DOH matapos kumalat ang video kung saan hindi tama ang ginawang pagbabakuna sa isang indibidwal na sinasabing nangyari umano sa isang vaccination site sa Makati City.

Mismong ang binabakunahan ang nakapansin at kumuha ng video sa maling proseso ng pagbabakuna.


Base sa video, makikitang itinurok ang karsyom o needle pero hindi naitulak ang dulo ng karayom kaya’t hindi natanggpap ang bakuna kontra COVID-19.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa lokal na pamahalaan para sa ginagawang imbestigasyon habang pinaaalalahanan ang mga vaccinator na magdoble ingat at ituon ang atensyon sa ginagawang pagbabakuna.

Sinisiguro naman ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na hindi na mauulit ang ganitong insidente hahang kanilang tutukan ang imbestigasyon dito upang mapabuti ang national vaccination program ng pamahalaan.

Agad naman din nabakunahan ang indibidwal na kumuha ng nasabing video matapos niya itong ipakita sa vaccination team kung saan aminado ang grupo na nagkaroon talaga ng pagkakamali.

Facebook Comments