DOH, iniimbestigahan pa kung may local transmission na ng Delta variant sa bansa

Inaalam pa ng Department of Health (DOH) kung nakuha sa pamamagitan ng local transmission ang mga naitalang local cases ng Delta COVID-19 variant sa bansa.

Ito ay matapos maitala ang 16 na kaso ng Delta variant sa bansa kung saan 11 ang local cases.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, kanila pang iniimbestigahan kung may kaugnayan sa isa’t isa ang 11 local cases at kung saan ito nakuha.


Kung titignan kasi aniya ang epidemic curve ng mga lugar kung saan natukoy ang mga local cases ng Delta variant, hindi pa nakakakita ng biglaang pagtaas ng kaso.

Tiniyak naman ni De Guzman na palalakasin pa nila ang surveillance, early detection at isolation measures sa mga lugar kung saan na-detect ang local cases ng Delta variants.

Facebook Comments