DOH, inilagay ang Pasay City sa COVID-19 low risk

Isinailalim ng Department of Health (DOH) ang Pasay City sa ilalim ng low risk classification ng COVID-19.

Ito ay batay sa report na ginawa ng DOH Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance Using Spatiotemporal Epidemiological Modeler for Early Detection of Diseases (FASSSTER) noong June 21.

Ang Pasay City General Hospital ay nakapagtala ng 24% occupancy rate para sa COVID-19 ward o nasa normal/safe risk rating.


Nasa 80% ang occupancy rate sa COVID-19 transition ward at ang kanilang emergency room ay bukas para sa admission ng COVID-19 cases, para sa mga residente at mga taga ibang lungsod.

Mula sa 201 barangays, 175 ang COVID-19 free.

Facebook Comments