Marawi City – Nasa ikatlong beses nang nag-launch o nagpapakain ng itlog sa kabataan ang Department of Health sa mga Internally Displaced Person o IDPs na galing sa Marawi na nasa mga evacuation center.
Tinawag itong nasabing programa na “An Egg A Day Keeps The Doctor Away’’ kung saan naglalayon itong mapalakas ang pangangatawan ng bawat kabataang kakain ng isang itlog kada-araw.
Tinuro ng DOH sa mga evacuation center ang tamang paraan sa pagkain ng itlog para sa gayun ay hindi ito masayang at makain lahat ang buong isang itlog.
Ayon kay DOH 10 Regional Director Dr. Nimfa Torrizo na may malaking tulong para makaiwas sa kahit ano mang sakit at magkakaron pa ng insaktong nutrisyon ang kabataan sa pamamagitan ng pagkain ng isang itlong kada-araw.