DOH, ininspeksyon ang medical facilities ng Quezon City Jail

Nagsagawa ng ocular inspection ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH), International Committee of the Red Cross at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bagong medical facilities ng Quezon City Jail Male Dormitory.

Sa ilalim ng Joint Administrative Order ng DOH at BJMP at iba pang ahensya na pamahalaan, inilagay ang medical facilities upang ipatupad ang mga reporma sa universal health care sa mga piitan para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Bahagi ang partikukar na ipinasilip ay ang pasilidad na Tubercolosis Detection Hub.


Ito ay isang laboratoryo na may Genexpert Machine na ginagamit upang makapagsagawa ng in-house TB screening sa mga PDLs at maaari nang matukoy kung ang mga ito ay may pulmonary tuberculosis.

Makatutulong ang nasabing pasilidad dahil isa ang TB sa pangunahing karamdaman ng mga PDLs sa kulungan lalo pa at libreng ibinibigay ang serbisyong medikal na ito sa mga PDLs.

Facebook Comments