DOH, inirekomendang isama sa handa ang seafoods ngayon holiday season

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) na isama sa mga ihahanda ngayong holiday season ang mga lamang dagat o Seafoods.

Sa advisory ng DOH, sa kabila ng hindi maiwasan na kumain ng matataba at mamantika, maaari daw samahan ng Seafoods ang handaan para may panlaban sa mga ma-cholesterol na pagkain.

Mababa kasi sa saturated fats ng seafoods o ioyng hindi masustansyang taba.


Mataas din ito sa protina, sagana sa omega-3 fatty acids, at vitamins A at B na makatutulong para sa utak, mata, at immune system.

Bukod sa seafoods, pwede rin umano isama sa menu ang mga gulay upang iwas sa hypertension at kahalintulad na mga sakit.

Samantala, sakaling makaramdam ng kakaiba sa katawan ay agad magpakonsulta sa doktor o magtungo sa malapit na pagamutan.

Facebook Comments