Mainam na panatilihin muna sa Alert Level 2 ang buong bansa pagsapit ng Enero.
Ito ang personal na pananaw ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa kabila ng napanatiling mababang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa kalihim, hindi dapat tumulad ang Pilipinas sa ibang mga bansa na biglaang nagluwag at ngayon ay nakararanas ng surge dahil sa Omicron variant.
Paglilinaw ni Duque, magiging sukatan pa rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagdedesisyon sa posibleng pagluluwag o paghihigpit muli ng alert level ang positivity rate, reproduction number, average daily attack rate (ADAR), health care utilization rate at two-week growth rate.
Kaya naman apela ni Duque sa publiko, sumunod pa rin sa minimum health protocols at magpabakuna para magkaroon ng dagdag na proteksyon kontra COVID-19.