May direktiba na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Health (DOH) na pag- aralan ang alert level system.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kanila itong ipinresenta sa chief executive at nagkomento tungkol dito ang pangulo.
Nag-analyze rin daw si Pangulong Marcos sa metrics at nagbigay rin ng guidance tungkol dito.
Sa ilalim ng set up na ipinatupad ng nakaraang administrasyon, kada dalawang linggo ay nag-aanunsiyo ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung anong alert level ang ipatutupad sa isang siyudad, probinsya o isang lugar.
Pero ayon kay Vergeirie ang instruction ni Pangulong Marcos, kailangan itong pag-aralan para mas maging akma ang magiging hakbang ng gobyerno sa kasalukuyang sitwasyon.