Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) na ipatupad ang polisiyang isang bantay sa bawat pasyente sa mga ospital na apektado ng kakulangan ng supply ng tubig.
Umaapela si DOH Secretary Francisco Duque III sa mga kamag-anak ng mga pasyente na limitahan ang mga nagbabantay sa isang tao lamang.
Aniya, kapag marami kasing bantay sa isang pasyente ay tumataas ang konsumo ng tubig.
Umaasa rin ng kalihim na mauunawaan sana ng mga ito ang sitwasyon lalo at apektado rin ang mga ospital sa nangyayaring krisis sa tubig.
Ayon sa DOH, ang mga ospital na apektado ng water shortage ay National Kidney Transplant Institute (NKTI), Rizal Medical Center (RMC) sa Pasig City, National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City, Philippine Children’s Medical Center (PCMC) at ang Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City.