DOH, ipinaalala sa publiko ang mga dapat gawin para maiwasan ang paglanghap ng abong ibinubuga ng Bulkang Taal

Naglabas na ang Dept. of Health ng guidelines kung paano tutugon sa ash fall kasunod ng Phreatic Explosion ng Taal Volcano.

Ayon sa DOH, ang Volcanic Ash ay kasing pino ng buhangin o mas pino tulad ng pulbos na kayang tangayin ng hangin.

Ang pagkaka-expose sa abo ay may peligrong dulot sa kalusugan, lalo na ang mga mayroong kumplikasyon o sakit sa baga tulad ng Bronchitis, Emphysema, o Asthma.


Ang epekto ng Volcanic Ash sa kalusugan ay:

  • Pagkara-irita ng ilong at lalamunan
  • Pag-ubo
  • Hirap sa paghinga
  • Pangangati ng mata
  • Pagkakaroon ng problema sa balat

Pinapayuhan ng DOH ang publiko na gawin ang mga sumusunod na precautionary measures:

  • Manatili sa loob ng bahay o gusali
  • Panatilihing sarado ang bintana at pintuan
  • Gumamit ng basang kurtina o makapal na tela para takpan ang anumang butas sa bahay
  • Gumamit ng dust masks
  • Magsuot ng goggles o salamit para maprotektahan ang mata
  • Ipasok din ang mga alagang hayop sa ligtas na lugar
  • Alisin ang mga abo na naipon sa bubungan
Facebook Comments