Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko ng mga dapat gawin sakaling makaranas ng food poisoning.
Payo ng DOH, painumin ng maraming tubig ang suspected victims ng food poisoning upang maiwasan ang dehydration.
Dapat magtabi rin ng sample ng mga pagkaing nakonsumo ng biktima na posibleng pinamulan ng food poisoning para magamit ng mga eksperto sa imbestigasyon.
Pagkatapos magpakonsulta sa doktor, dapat inumin ang mga iniresetang gamot.
Facebook Comments