DOH, ipinag-utos na ang pamamahagi ng face mask sa mga residente ng Sorsogon na apektado ng nangyaring phreatic eruption sa Bulkang Bulusan

Pinatitiyak ni Department of Health o DOH Secretary Francisco Duque III na may sapat na proteksyon ang mga residente na apektado sa nangyaring pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ipinag-utos ni Duque ang agarang pamamahagi na ng mga pre-position o mga naunang suplay ng face mask na ipinadala sa naturang lalawigan.

Partikular na pinahahatiran ng face mask ang mga inilikas sa iba’t-ibang evacuation centers.


Nauna nang nagbabala ang DOH at Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa seryosong panganib sa kalusugan ng abo mula sa Bulkang Bulusan lalo na sa mga senior citizen, mga bata at may mga karamdaman.

Bukod sa face mask, kabilang din sa ipinamamahagi ng DOH ang tubig at mga hygiene kit.

Facebook Comments