DOH, ipinagmalaki ang papel ng mga health worker sa panahon ng pandemya

Binigyang pagkilala ni Health Secretary Francisco Duque III ang malaking tulong ng mga health worker sa panahon ng pandemya.

Sa Duterte Legacy Summit Part 2, sinabi ni Duque na hindi matatawaran ang naging sakripisyo ng mga taga-Department of Health, mga doctor, nurse at iba pang healthcare workers sa gobyerno man at mga pribadong ospital para mapigil ang pagkalat ng virus.

Ayon kay Duque, ginawa ng mga medical health worker ang lahat ng sakripisyo para lamang isalba ang maraming buhay ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19.


Samantala, sa pamamagitan aniya ng general appropriations act ng 2017 hanggang 2022 hanggang nitong Abril ng taon ay nakapagpatayo ang ahensiya ng 14 na quarantine facilities, 34 na treatment and rehabilitation centers, pitong regional offices at iba pang healthcare facilities.

Facebook Comments