Ipinasa ng Department of Health (DOH) sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagtugon sa mga ulat na may ilang indibiduwal na hindi healthcare workers ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Binigyang diin ng DOH na limitado ang mga bakuna kaya nararapat lamang na ang mga healthcare workers ang unang makatanggap nito.
Umapela rin ang DOH sa lahat na sundin ang prioritization framework na ipinapatupad ng pamaalaan.
Ang lahat ng vaccine doses ay dapat maibigay sa napagkasunduang priority groups kung saan nangunguna ang mga healthcare workers.
Ang pagbibigay ng bakuna sa non-healthcare workers ay makakaapekto sa mga susunod na doses na ibibigay ng COVAX Facility.
Facebook Comments