Irerekomenda ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin pa ang travel ban sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng Coronavirus Disease.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batid nila na seryosong usapin ito at dapat kaagad makapaglabas ng desisyon hinggil dito para mapigilan na makapasok sa bansa ang bagong variant ng virus.
Batay sa pag-aaral mula sa United Kingdom, mas nakahahawa ang bagong variant ng virus.
Una nang pinalawig ng dalawang linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban sa UK.
Kasama sa mga hindi papapasukin sa bansa ang mga pasaherong may travel history sa UK sa loob ng nakalipas na 14 araw.
Naka-quarantine naman ang mga dumating sa bansa mula UK bago ipatupad ang travel ban.
Samantala, umabot na sa 17 na mga bansa ang nakapagtala ng bagong variant ng COVID-19 na unang natuklasan sa UK.
Kabilang sa mga bansang ito ay ang:
Australia
Canada
Denmark
France
Germany
Hong Kong
Ireland
Italy
Japan
Singapore
South Korea
Spain
Sweden
The Netherlands
Nigeria, West Africa
South Africa
Sabah, Malaysia