Nagpositibo sa bacteria fecal contamination ang ginawang pagsusuri ng Department of Health (DOH) sa mga tubig na nainom ng mga naging biktima ng diarrhea sa Baguio City.
Ayon kay Health Usec. Eric Tayag, natukoy ng DOH na kontaminado ang isa sa mga pinagkukunan ng tubig sa Baguio City na naging dahilan ng pagkakaroon ng diarrhea outbreak sa lungsod.
Hindi pa pinangalanan ng DOH kung saan ang mismong source ng tubig dahil nagpapatuloy ang ginagawa nilang assessment.
Nasa Baguio City Health Department pa rin daw ang mga karagdagang datos kung kaya’t hindi nya pa ito maaaring ibigay sa media.
Samantala, nagpadala na ng mga potable water at oral rehydration solution o oresol ang DOH sa mga lugar na apektado ng kontaminasyon.
Kahapon ay nagdeklara si Mayor Benjamin Magalong ng outbreak ng diarrhea sa Baguio City matapos umakyat sa mahigit 400 ang mga dinala sa pagamutan mula pa noong December 21, 2023.
Kumikilos na rin ang Pamahalaang Lungsod ng Baguio para tulungan ang mga nambiktima ng water contamination.