DOH, isa sa prayoridad ng augmentation budget re-alignment

Isa sa magiging prayoridad ng budget re-alignment augmentation ang Department of Health (DOH) para sa pagresponde sa COVID-19 crisis.

Sa ilalim ng panukalang “Bayanihan to Heal as One Act,” tututukan ang operational budget ng government hospitals, lalo na sa pagpapagamot ng COVID-19 patients, prevention at control ng iba pang nakakahawang sakit, emergency preparedness, at quick reponse fund.

Ayon kay House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte, mayroong PHP275 billion pesos na off-budget fund na pwedeng gamitin kung saan ang PHP200 billion ay gagamitin sa emergency subsidy tulad ng cash assistance habang ang PHP75 billion ay ilalaan naman para naman sa health at iba pang serbisyo.


Sinabi naman ni Senator Pia Cayetano, Chairperson ng Senate Ways and Means Committee, isa sa paglalaanan ng i-re-realign na pondo ang emergency subsidy program kung saan bibigyan ng 5-thousand to 8-thousand pesos ang nasa 18 milyong pamilya mahihirap na pamilya sa buong bansa.

Ang 4.4-milyon sa mga ito ay tumatanggap na ng 2,150 pesos mula sa 4ps ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaya dagdagan na lang ito para maging 5,000 hanggang 8,000 pesos para maibili ng pagkain at ibang pangangailangan.

Facebook Comments