DOH, itinaas ang ‘Code Blue Alert’ sa buong bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino

Itinaas na ng Department of Health (DOH) Ang “Code blue alert” sa mga pasilidad at operasyon ng ahensya sa buong bansa.

Ito’y bunsod na rin ng lawak ng epekto ng Bagyong Tino at ang deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng National State of Calamity.

Sa ilalim ng Code Blue Alert status, heightened-alert ang buong Department of Health maging ang kanilang ang regional offices at health facilities.

Naka-deploy na rin ang karagdagang health personnel sa mga evacuation center at pansamantalang health facility sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Naka-preposition na rin ang mga gamot, medical supplies, at mobile response teams para umalalay sa mga lokal na pamahalaan

Activated na rin ang Operations Center (OPCEN) at Health Emergency Management Staff (HEMS) para sa mabilisang koordinasyon para sa emergency response

Samantala, nakaantabay na rin sa deployment ang tatlong Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) na kinikilala ng World Health Organization (WHO) na may kakayahang magserbisyo bilang outpatient department o magtayo ng pansamantalang hospital tents sa oras ng sakuna.

Facebook Comments