Naniniwala ang Department of Health (DOH) na hindi dawit ang kanilang COVID-19 contact tracing forms sa likod ng mga naglilipang personalized text scams.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, dumaan ang kanilang contact tracing systems sa pagsusuri ng Department of Information Communications and Technology (DICT) at ng National Privacy Commission (NPC).
Dagdag pa nito, kailangang sumunod sa ilang panuntunan bago makabuo ng mga kahalintulad na applications.
Mababatid na sinabi ni dating opisyal ng National Telecommunications Commission na si Edgar Cabarios na posibleng nakuha ng mga kawatan ang mga impormasyon ng maraming indibidwal sa contact tracing forms upang makapanloko gamit ang text message.
Facebook Comments