DOH, itinangging itinigil ang pamamahagi ng libreng gamot

Itinanggi ng Department of Health o DOH na itinigil nila ang pamamahagi ng libreng gamot.

Kasunod ito ng reklamo ng ilang senior citizen na hindi sila binibigyan ng gamot sa mga health center dahil umano sa election ban.

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, kahit election period hindi inihinto ang pamamahagi ng libreng gamot sa mga health center.


Ang tanging itinigil lang aniya ay ang mga medical mission na minsan ay nababahiran ng pulitika.

Facebook Comments