DOH, itinangging may kaso muli ng SARS sa Pilipinas

Mariing itinanggi ng Department of Health (DOH) ang kumakalat na balitang mayroon nang kaso ng Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS sa isang health clinic sa Metro Manila.

Iginiit ni Health Usec. Eric Domingo – wala dapat ika-panic dahil wala pang kaso ng SARS sa bansa.

Aniya, tinawagan nila ang clinic at pinuntahan pa ng kanilang epidemiology surveillance officers ang lugar para kumpirmahing walang katotohanan ang balita.


Ang SARS ay isang malalang uri ng pneumonia na kumakalat sa pamamagitan ng person-to-person contact.

Facebook Comments