DOH, itinangging may VIP treatment sa pagsasagawa ng COVID-19 testing

Mariing itinanggi ng Department of Health (DOH) na mayroong VIP treatment sa mga prominente at ma-impluwensyang indibidwal at kanilang pamilya.

Ito ay matapos ulanin ng batikos ang ilang pulitiko na nagpa-test para sa COVID-19 sa gitna ng limitadong bilang ng test kits.

Ayon kay DOH Under Secretary Maria Rosario Vergeire, maituturing lamang itong courtesy sa mga opsiyal na may hawak na posisyon sa national security at public health.


Aniya, ang lahat ng specimen ay pinoprosesos sa “first-in, first out” basis.

Sa ilalim ng panuntunan ng DOH, ang mga maari lamang magsagawa ng COVID-19 testing ay mga sumusunod:

  • Persons Under Investigation (PUI) na mayroong mild symptoms, mga matatandang mayroong underlying condition o immunocompromised.
  • Ang mga naka-admit na PUI ay mayroong severe o critical condition

Umaasa ang DOH na sa pagdating ng 100,000 testing kits at accreditation ng dagdag na sub-national laboratories at COVID-19 referral hospitals ay marami pang kaso ang made-detect.

Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 1,516 ang isinagawa nilang COVID-19 test.

Facebook Comments