DOH, itinangging muling isasailalim sa ECQ ang NCR, Laguna at Cebu

Itinanggi ng Department of Health na muling isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region, Laguna at Cebu.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang inilalabas na rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa magiging desisyon sa kahihinatnan ng mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon pa kay Vergeire, pinag-aaralan pa nila ang magiging pinal na rekomendasyon para masabi kung tuluyan nang na-flatten ang curve ng COVID-19 sa bansa.


Aniya, hintayin na lamang ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaasahang mag-aanunsiyo bukas, araw ng Lunes.

Facebook Comments