Manila, Philippines – Itinanggi ngayon ng Department of Health (DOH) ang lumalabas na balitang may pneumonia outbreak sa buong Pilipinas.
Mismong si Health Undersecretary Erik Domingo ang nagsabing hindi ito totoo kaya at huwag na daw itong ipakalat pa social media.
Sa katunayan, sinabi pa ni Domingo na mas bumaba ang bilang ng caso ng pneumonia noong December 2018 kumpara sa nakalipas na nakaraang taon kaya at hindi nila alam kung sino ang nagpapakalat ng maling balita.
Pero bukod dito, mas maigi na daw na alagaan ang sarili ngayong panahon ng taglamig at panatilihin ang malinis na kapaligiran upang hindi mahawa ng anumang sakit partikular na ang trangkaso.
Facebook Comments