DOH, itinangging nakakaranas ang bansa ng second wave ng COVID-19

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na nararanasan na ng bansa ang ikalawang bugso ang second wave ng COVID-19.

Ito’y matapos maitala muli kahapon ang 1,540 na bagong kaso ng COVID-19 infections.

Sa kabuoan, aabot na sa 47,873 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 34,178 ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.


Nasa 12,386 ang gumaling habang nasa 1,309 ang namatay.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi nakakaranas ang bansa ng second wave, kundi paglobo lamang ng nga nagpopositibo bunsod ng pinalawak na testing.

Dagdag pa ni Vergeire, tumataas ang community transmission dahil sa kawalan ng pagpapapatupad o pagsunod sa minimum health standards.

Pagtitiyak niya na kinakaya pa ng health system capacity ng bansa ang tumataas na bilang ng kaso.

Ang case doubling time ng bansa o bilang ng araw bago magdoble ang kaso ay 7.9 days.

Samantala, nilinaw din ng DOH na walang partikular na profiling ng mga pasyente sa mga bagong kaso.

Facebook Comments