Manila, Philippines – Isinisisi ni Health Sec. Paulyn Ubial sa Department of Budget and Management (DBM) ang responsibilidad sa pagkaltas ng alokasyon ng maraming ospital.
Giit ni Ubial, ang DBM ang nagdesisyon na bawasan ang Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE ng mga regional at special hospitals sa susunod na taon sa halagang 1.5 billion pesos.
Sinabi ni Ubial, labas ito sa kontrol ng DOH.
Paliwanag ni Ubial, ginamit ng DBM ang actual obligation ng DOH noong 2016 bilang sukatan ng alokasyon ng govt hospital para sa susunod na taon.
Sinabi ni Ubial na mayroon nang marching order para mai-maximize ng mga government hospital ang spending capacity ng mga ito.
Aabot sa mahigit 1.5 Billion ang ibinawas sa budget ng mga ospital ng gobyerno para sa 2018.
Sa mga government hospitals, pinakamalaking natapyasan ng pondo ang
Southern Philippines Medical Center na 71.90%, Bicol Sanitarium na may 57.41%,
Research Institute for Tropical Medicine na may 56.63% na cut sa budget, Davao regional Hospital na may 54.64%, Valenzuela Hospital – 47%, Amang Rodriguez – 44% , at San Lorenzo Ruiz Special Hospital For Women na may 43%.