Itinutulak ng Department of Health (DOH) ang isang hakbang na magbibigay-daan sa pamahalaan na tumugon sa COVID-19 pandemic oras na matapos na ang state of calamity ngayong taon.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, naisumite na nila sa House of Representatives ang Public Health Emergency for Emerging and Reemerging Disease Bill na isa sa mga priority bills ng kasalukuyang administrasyon.
Sa ilalim nito, maaari pa rin aniyang makabili ang gobyerno ng mga bakuna, magsagawa ng pagbabakuna, at magbigay ng mga benepisyo sa mga health workers kahit na walang deklarasyon ng state of calamity.
Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of public health emergency hanggang Disyembre 31 dahil sa COVID-19 pandemic.
Facebook Comments