DOH: Kaso ng heat related illnesses, pumalo na sa 77; mga nasawi umakyat pa sa 7

Umakyat sa 77 ang kaso ng heat-related illnesses na naitala sa bansa mula nang pumasok ang taon.

Sa datos ng Department of Health, 67 sa mga ito ang naka-apekto sa mga nasa edad 12-21.

Nadagdagan naman ng isa ang bilang ng mga nasawi kung kaya’t aabot na ngayon sa 7 ang binawian ng buhay dahil sa mga heat-related illnesses gaya ng heat stroke o mga atake sa puso na dala ng matinding init ng panahon at pagtaas ng blood pressure.


Naitala ang mga kaso mula January 1 hanggang nitong April 29.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na huwag magbilad sa initan tuwing matindi ang sikat ng araw, uminom ng maraming tubig at iwasan ang mga softdrinks, kape at alak.

Facebook Comments