DOH: Kaso ng leptospirosis sa Northern Samar, tumaas 

Tumaas ang kaso ng leptospirosis sa Northern Samar ilang linggo matapos tamaan ng malawakang pagbaha ang lalawigan.

Ayon sa Department of Health – Eastern Visayas (DOH-8), nakapagtala na sila ng kabuuang 113 kaso ng leptospirosis sa rehiyon.

Pinakamataas dito ang lalawigan ng Leyte na may 43 cases, na sinundan naman ng Samar na may 35 cases, at Northern Samar na may 23 cases.


Dagdag pa ng DOH Region 8, mula sa walong kaso lamang sa pagitan ng Enero hanggang unang linggo ng Disyembre, ang bilang ng mga kaso ay tumaas sa 22 sa ikalawang linggo ng buwan.

Mayroon na ring siyam na napaulat na nasawi dahil sa leptospirosis.

Samantala, nagpadala na ang DOH ng antibiotics sa probinsiya para labanan ang sakit bilang bahagi ng post-disaster response ng ahensya.

Facebook Comments