DOH, kinalampag ng 1 Senador ukol sa umano ay bentahan ng mga donasyong COVID test kits kaya hindi nakakarating sa mga probinsya

Ipinagtataka ni Senator Imee Marcos kung bakit wala pang nakakarating sa Ilocos at sa ibang mga probinsya na COVID-19 testing kits gayong milyun-milyon na ang donasyong test kits na natatanggap ng bansa.

Dahil dito ay kinakalampag ni Marcos ang Department of Health (DOH) kaugnay sa mga bali-balita na kaliwa’t kanan umano ng bentahan ng mga test kits.

Giit ni Marcos sa DOH at sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), maging transparent sa mga binibili at donasyong COVID test kits.


Ipinaliwanag ni Marcos na ito ay para hindi na maulit ang nangyari ng manalasa ang supertyphoon yolanda sa tacloban kung saan napunta sa ilang grocery stores ang mga donasyong relief goods.

Facebook Comments