
Naglunsad ng kilos-protesta ang grupo ng mga health workers sa harap ng Department of Health (DOH) sa Maynila.
Kasunod ito ng umano’y malawakang korupsyon sa pamahalaan na, ayon sa kanila, ay nakaaapekto sa sektor ng kalusugan.
Mariin nilang kinondena ang mga mapanirang gawain ng ilang opisyal at halal na lider ng gobyerno na nagdudulot ng pagsasakripisyo ng mga Pilipinong nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan.
Isa sa kanilang binatikos ang umano’y mga maanomalyang at palpak na itinayong super health centers, kung saan 300 sa 878 ang nananatiling non-operational.
Bukod dito, tinuligsa rin nila ang pagkasayang ng mga bakuna at gamot na nasa pangangalaga ng DOH matapos itong mag-expire, na dapat sana ay naipamahagi at nagamit ng mga pasyente.
Suportado rin nila ang pagsasampa ng kaso laban kay DOH Secretary Ted Herbosa kaugnay ng umano’y unexplained fund releases, na sinasabing inilalaan lamang umano sa suweldo at allowances ng mga health workers nang walang sapat na paliwanag kung paano ginamit ang pondo.









