DOH, kinumpirma ang 4 na kaso ng pagkamatay sa leptospirosis

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may apat na kaso na ng pagkamatay sa leptospirosis.

Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na natanggap niya ang report nitong nagdaang dalawang araw.

Ang mga naturang kaso daw ay ang mga pasyenteng napalusong sa baha nitong nagdaang Habagat at Bagyong Carina.


Samantala, pinapayuhan naman ng ahensya ang mga indibidwal huwag balewalain ang sintomas ng leptospirosis lalo na’t kapareho lamang ito ng trangkaso.

Ayon sa kalihim, mataas ang mortality rate sa leptospirosis kaya mahalaga talaga ang pag-iwas dito.

Facebook Comments