DOH, kinumpirma ang pagtaas ng bilang ng dengue cases sa bansa, kasabay ng measles outbreak

Kadalasang mababa lang ang bilang ng dengue cases tuwing summer, ayon kay Usec. Eric Domingo. Pero dahil sa pabago-bagong klima at sa mga nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kahit tag-init ay naging year-long problem na ang dengue.

Sa Central Visayas pa lang ay nasa 2,132 dengue cases na ang naitala ng DOH.

Dahil ban sa Pilipinas ang Dengvaxia Vaccine, “Vector Control” ang pinakamainam na proteksyon ng publiko laban sa nasabing sakit.


Ibig sabihin ayon kay Domingo, dapat na panatilihing malinis at tuyo ang mga daluyan ng tubig sa gilid ng mga bahay na posibleng pamugaran ng lamok.

At kung makitaan ng sintomas ng Dengue ang isang tao, agad siyang isugod sa ospital para hindi na lumala.

Samantala… kasabay nito ay pumalo na sa 4,300 measles cases ang naitala sa buong bansa kung saan 70 na ang nasawi, dahilan ito upang magdeklara rin ang DOH ng measles outbreak.

Facebook Comments