DOH, kinumpirma na sa darating na Mayo ang expiration ng mga bakuna ng AstraZeneca

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na sa katapusan ng Mayo ng taong ito ang expiration ng COVID-19 vaccines ng AstraZeneca.

Ayon kay Health Undersecretay Maria Rosario Vergeire, lahat ng bakuna na nabigyan ng Emergency Use Authority (EUA) ay may expiration sa loob ng anim na buwan lamang.

Nilinaw rin ni Vergeire na plantsado na ang kanilang strategies kaya tiyak aniyang aabot sila sa interval ng bakuna.


Partikular ang interval para sa second dose ng bakuna na 4 hanggang 12 weeks.

Ipinaliwanag din ni Vergeire na kaya nila minamadali ang pagbabakuna hindi dahil sa malapit na itong ma-expire, kundi dahil nais na nilang maproteksyunan na ang healthcare workers.

Facebook Comments