Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 53 health facilities ang napinsala ng malakas na lindol kahapon sa Luzon.
Walo rito ay mga ospital, 28 ang rural health units at 18 ang barangay health stations.
Kinumpirma rin ng DOH na ang kanilang mga tauhan mula sa Central Office ay nasa ground na at nakikipagtulungan na sa mga lokal na pamahalaan mula sa mga lugar na labis na naapektuhan ng lindol.
Nagpadala na rin anila sila ng mga tents, mga higaan, hygiene kits, mga gamot at iba pang supplies.
Tinutulungan din anila nila ang Abra Provincial Hospital para sa paggamot sa mga residenteng nasugatan sa lindol.
Ayon sa DOH, nananatiling 4 ang bilang ng mga namatay sa lindol habang 4 din ang nawawala at halos 300 ang mga nasugatan.
Facebook Comments