DOH, kinumpirmang bumagal ang pagdami ng virus sa bansa

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, inanunsyo ng Department of Health (DOH) na mas bumagal pa ang bilis ng pagdami ng virus sa bansa.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mula sa 9.26 days case doubling time noong Agosto 10, ay tumaas na ito sa 10.08 nitong katapusan ng Agosto.

Nangangahulugan aniya ito na inaabot ng 10 araw bago domoble ang bilang ng virus.


Malaking improvement aniya ito mula sa 1.55 days na case doubling time noong Marso 15.

Ang mortality doubling time naman o bilis ng pagdami ng bilang ng nasasawi dahil sa COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 14.67 days, na ang ibig sabihin ay inaabot ng 14 na araw bago domoble ang bilang ng nasasawi dahil sa virus.

Bumaba na rin aniya sa 0.977 ang reproduction number o bilang ng mga maaaring mahawa ng virus.

Facebook Comments